(Published in theophirianchronicles.com, by Ravenson Biason, October 6, 2019)
“Ang aking opinyon naman ay iwasan natin ang ‘climate ng kompetisyon’ sa musika. Lumang konsepto ito, kung saan sinusuportahan ang komersyalismo sa music. Ang opinyon ko ng maganda ay maaring hindi maganda sa iba. Ito ay bunga ng aking kamulatan at iba’t iba ang ating mga kinagisnan. Kung ang maganda ay opinyon ng isang may “katungkulan” ibig bang sabihin ito na ang maganda sa lahat?”
“Huwag tayo magpaloko. Lahat tayo ay nakikinig ng mang aawit at ng mga awitin. Huwag natin limitahan sa iilan lang ang pwede natin pakinggan. Ang away sa isyu ng composer at singer ay bunga lang ng sitwasyung ito sa industriya ng music. Lahat sila ay biktima sa paniniwalang kompetisyon. Wala tayo dapat pag awayan. Lahat tayo ay makinig sa sari saring musika ng mas nakakarami. Hindi lang ng iilan. Payagang magtanghal ang lahat ng musikero lalu na yung nasa independent scene para marinig ng lahat ng hindi naglalaban laban. Ito ang dapat.”
ISYU SA MGA COVER SONGS
Hindi lahat ng songwriters alam ito kaya pinag uusapan tuloy sa social media at madami ang nagkakamali ng decision. Aware si Youtube sa copyright laws (synch rights specifically). When someone uploads a video of a cover song to youtube, mayroon itong tinatawag na Content ID system.
Automatically iniiscan ni Youtube lahat ng content na inauupload sa youtube at kapag ang content mo ay naglalaman ng song na nasa Content ID system nila meron ito sinusunod na option based on sa kung ano ang isinet ng publisher ng song thru its aggregator. Pwedeng (1) allow ng publisher na ma-stream ang (cover) song but publisher will get all the monetization from the video, (2) not allow the song to be streamed at all and mute it from the video, (3) Block the video, (4) Restrict the viewing in certain teritiories/countries or block on certain platforms. Makikita ang action na ito along with the description ng video. And decision ng options na ito ay manggagaling sa publisher ayon sa dictate ng songwriter (or kung ano man ang pinagusapan nila), at ipapasa sa aggregator na syang susundin ni youtube. Ikaw, ano sa palagay mo mas gusto mo mangyari? Wag i-allow na me mag cover ng kanta mo at maging exclusive lang talaga sa version mo?
Or hayaang sumikat ang kanta mo at kumita ka nang wala ka nang kahirap hirap, walang ginawa sa bahay, or naglalaro lang ng candy crush? Tandaan lamang na naayon ang kita mo actual na kita ng produkto at porsyento lang ang nakukuha mo. At syempre to show courtesy, dapat i-acknowledge ng singer yung song mo at ikaw as a songwriter. Pero, usually automatically nilalagay naman ni Youtube ito sa description in case nakaligtaan mong banggitin na cover song ito.
My point here is, be aware but dont be alarmed too much regarding copyright issues of your songs on digital platform or social media in general. The internet is not a jungle of theives with no rules or police. The structures follow rules and are even more specific according to country. Mas nakakatakot nga sa real world dahil may areas na di nasusubaybayan ang mga magnanakaw ng kanta. Sa digital world lahat ay na tetrace at nababantayan.
So how do you get your song included on Youtube’s Content ID system? Release them to digital stores via aggregator thru your publisher. Nandito lang ang @Indiepinoy makakatulong sa inyo dyan (shameless plug – hehehe).
Part 2 naman ito ng issue tungkol sa Youtube cover song. Kung ikaw naman ay mag cocover ng song at ipopost mo sa Youtube, be aware of the rights that Youtube is allowing you to do. Buti nga pinadali ni youtube ang sistema at hindi ka na maghahagilap kung sino ba ang publisher ng kantang kinanta mo at humingi ng permission or mag bayad. First be courteous and acknowledge the songwriter. Pwede din the original singer kung di mo alam ang songwriter, usually the songwriter will bow to that and accept your acknowledgement. Be aware that you are not doing the cover version to earn money.
Kung gusto mo kumita then you should get mechanical rights to record the song and release it for selling either in physical cd or in digital stores. This will get your percentage of profit when your version is uploaded to youtube as it will now be included in the content ID system. Kung ang song mo ay kasama dun sa nag option to block or not allow other to cover your song, sorry ka nalang at pwedeng ma take down yung cover song video mo or ma mute. Lets respect the songwriter nalang if they choose this option for whatever reason they have. Karapatan nila un.
Remember hindi masama mag cover ng song. Others do this to have their take on the song. Others do this as a way to get popular. Others do it for whatever reason they have. Kung ikaw ay walang ibang ginagawa kundi mag cover ng mag cover ng songs at hindi gumawa ng original song, ok lang yan. Wag ka lang mag expect na matawag na songwriter. Pero choice mo yan. Marami namang dyan singers na magaling kumanta pero hindi marunong mag compose ng song.
I am just hoping sa mga Pinoy na wag naman tayo maging mapanghusga at manglait agad ng mga musikero dahil puro covers lang ang ginagawa nila. Hindi mo sila pwedeng sabihin na hindi sila magaling na singer dahil wala silang sariling kanta. Singer sila. Hindi naman definition ng singer ang gumawa ng original song. Songwriter un. Kung songwriter din ung singer, e di ok.
Pero, hindi ibig sabihin mas magaling na singer sya kasi songwriter din sya. Ang kanta tulad ng lahat ng arts ay hindi dapat ipinag-cocompete with each other. Lahat naman yan pwede natin pakinggan. Mag enjoy nalang tayo sa mga awiting ito. One way or another nagiging bahagi ito sa buhay natin. At napakinabangan natin ito. Salamat sa kumanta at nag- compose.