MP NIGHT 70s Bistro
March 30, 1995
(originally published on Rock & Rhythm Vol 5 No. 82)
By Sig
Coming from the album launching of Rizal Underground, I tried to convince BJ, Babe Breath and HLHD vocalist Alfie to heed the invitation of Lvna’s bassist Nolit for this event. Medjo bitin kasi ung kaskasan ng Rizal. Hindi sumama si Babe dahil me aasikasuhin pa siyang new wave party na pakulo nya. Nag-begged-off rin si Bostsip at meron ‘atang happening sa haybols nila. Medjo nabadtrip ‘ata sa punyemas na security ng Arts Venue. Akala mo kasi may nanakawin ka sa beer-joint na ito! So, that leaves Alfie and I… hmmm..o, sige, tuloy sa 70’s! Tahakin ang landas patungo sa Anonas. Tutal, very special tong gig na ‘to. Why? Kasi it marks the return into “supremacy” of the most respected musical organization in the local shore. Anong organization ‘to? Ano pa, e di Musicians For Peace! Dont tell me you have never heard of this group before?
Eniweys, we arrived an hour late at 70s. We missed the multi-media presentation of the cultural group Tumbang Preso. ‘Yun pa naman ang medyo pinaka-highlight ng gabing ito. Medyo pinarelate ko na lang sa ilang members ng grupo kung ano ‘yung na-miss ko from their presentation. Their act started out with the usual game of “tumbang-preso” where one character hits a can with his slippers, making it fall down. Lights-off and a mime was presented. Tapos may kumanta ng “Magtanim ay Di Biro” na sinundan ng isang lalaking pinupukpok ang base ng mic stand at isa pang nag ii-scrape ng kahoy sa stage. Sinundan ulit ‘yon ng isang mime entitled “Beso” at isang monologue na excerpt mula sa tula ni Rene de Guzman entitiled “Testimonya Ng Isang Unos.” Ukol ito sa pighati ng asawa ng isang magsasakang sinalvage na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatagpuan ang katawan. Sumunod ang isang “sigaw-salitan” ng anim na katao. Tapos may nag-tumbang preso ulit sa entablado at winakasan ito ng isang awit ni Jess Santiago entitled “Meme na Aking Bunso” mula sa point of view ng isang ina. Nakakalungkot lang ngang isipin at bihira tayo makakita ng ganitong presentation. Minsan nga ni sa tanang buhay natin ay dehins pa tayo nakakamalas ng ganito. Andami pa naman sa atin ang hindi pa mulat o kaya’y nagbubulag-bulagan sa nangyayari sa paligid natin. Awakening sana ito. More of this, please. at sana tayong mahihilig sa musika ay magkaroon rin ng panahon para sa mga ganitong uri ng sining upang mapalawak ang ating kaisipan at magkaroon ng sense ang ating mga tugtugan at uri ng musikang pinakikinggan.
Natapos ang set ng Tumbang Preso. Tugtugan naman. Unang sumampa ang bandang Bersus. Hataw pare. Blues, with matching cool na mga buga sa harmonica. They did three of their original songs. They also delivered Tom Petty’s “I Wont Back Down” and Juan Dela Cruz’ “Pinoy Blues.” May dalawa pa silang tinugtug na dehils ko alam kung sino ang bumira.
Sunod sa tumuntong sa stage e ‘yung Lvna. Ibang uri ng bantan. New-wavish. U2-ish. They started their set with an original called “Pagwasto” na para bang naghahamon sa mga “rejectionist” na nando’n nung gabing yun. They then dished out two environmental songs of their own. Tumira rin sila ng tatlong U2 classics before finishing out with their anthemic “Halina, Karina” to the delight of every kabataang may nationalistic spirit that night. Medyo bahagyang bumilis lang nga ‘yung tugtugan ng Lvna.
Pagkatapos no’n ay meron parang film showing. Hindi ko nakita kung ano ‘yung nilalaman nun una. ‘Yung sumunod e malakas na nakatawag ng aking pansin. Ilang excerpts ng mga unang tugtugan ng Asin at ang burol at libing ng gitarista nitong si Cesar “Saro” Banares sa Cotabato. Siyets! Nakakaluha. Biktima ng injustice. Teka, ano na nga palang nangyari sa kaso niya?
Ang film showing ay sinundan ng isa pang skit. Dalawang babae,. Isang mahirap, isang mayaman. Pinakita ang contrast ng buhay nila. Tapos biglang umarteng nire-rape ‘yung isang babae. Ang galing! Great! Best actress!
Sunod ang isa sa pinakahihintay ng lahat. Ang bagong grupo ng other half ng Buklod duo na si Rom Dongeto. Christened as Remondato, kasama ni Rom sa grupong ito ang isa rin sa original na miyembro ng Buklod na si Rene Boncocan at isa pang gitarista na nakilala ko lamang sa pangalan na Adi. Anyway, they didnt fail to spark the audience who where all waiting for their set. Bumira sila ng tatlong classics ng Buklod such as “Ang Ating Awit,” “Buhay At Bukid” at ang theme song ng karamihang magsing-irog na tibak na “Kanlungan.” May dalawa silang binanatan entitled “Hangin” at “Lumingon Ka” na bagong komposisyon ‘ata ng grupo. Ang galing ng set nila. Well-applauded.
May tatlo pang grupong sumunod sa Remondato. Una e ‘yung bagong member ‘ata ng MP na banda called Iskandalo na nag 10,000 Maniacs at bumanat ng ilang progressive songs. Sumunod dito e ‘yung folk singer na si Leonard de Leos na tumipa ng awitin ni Pol Galang na “Pinggan” at ng “Himig Natin.” Si Leonard ay may inilabas na solo album na maiiskor sa Mayric’s at 70’s Bistro at nakapagtataka na hindi sya umawit ng mga sarili niyang kanta. Pagbaba ni Leonard ay pumanhik naman ang tatlong ex-members ng makasaysayang grupong Patatag. Bumanat sila ng tatlong awitin ng Patatag at pagkatapos ay winakasan na rin an gabing iyon.
At doon nagwakas ang selebrasyong iyon ng MP. Actually, repeat performance lang daw ito ng katulad rin idinaos nila isang linggo na nagdaan. Nevertheless, okey pa rin at marami ring nanuod at nakiusyoso. Sana’y tuloy-tuloy na ang muling pagbulusok ng MP sa pag-oorganisa ng mga musikero lalo pa’t may makakatulong na muli si Rom na buuin ito’t malapit nang dumating si Chikoy at ang The Jerks. Buhay na naman ang mga makabayng musikero! (Kaya?!) Salamat sa MP sa accomodations. – SIG